246 na Kadete, nagtapos sa PNP Academy ngayong araw

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 5120
Photo courtesy: Fabian Rodrigueza
Photo courtesy: Fabian Rodrigueza

Buong tapang na haharapin ng mga nagsipagtapos ngayong taon sa Philippine National Police Academy ang hamon bilang isang alagad ng batas.

Ayon sa 2015 Lakandula Class Valedictorian Cadet 1st class Dennis Yuson JR, sa halip na matakot ay magsisilbing inspirasyon sa kanila ang nangyari sa 44 PNP-SAF commandos na nagbuwis ng buhay sa pagtatanggol sa bayan.

Sa 246 na nagsipagtapos ngayong taon sa Philippine National Police Academy, 225 ang nagpahayag na sa pambansang pulisya magpupunta habang 10 sa Bureau of Jail Management and Penology at 11 sa Bureau of Fire Protection.

Sa 225 na mapupunta sa PNP, 20 ang gusto sa Special Action Force kabilang ang kapatid ni Mamasapano Mayor Benzar Ampatuan na si Datu Andal Ampatuan III.

20 din sa mga graduates ay pawang mga kababaihan.

Kasama din sa nag-graduate si INSP.Mohamadizar Misuari na apo ni MNLF Founder Nur Misuari.

Isang kadete naman ang hindi napasama sa graduation rites dahil kailangan pa niyang tapusin ang parusa sa kanya hanggang Abril dahil sa nagawa niyang paglabag.

Kumpiyansa naman ang pamunuan ng PNPA na hinubog sa disiplina at pinabaunan ng pagkilala sa hustisya, integridad, pagseserbisyo sa bayan at maging ang pagpapahalaga sa Chain of Command ang mga nagsipagtapos na kadete.( Lea Ylagan/ UNTV Senior Correspondent )
***

Tags: , , ,