Tiniyak ng Department of Education na makukuha kaagad ng mga guro na nagsilbing Board of Election Inspectors ang kanilang honorarium.
Umabot sa mahigit apat na raang libong guro ang nagsilbi bilang BEI, support staff at supervisors sa buong bansa sa katatapos na eleksyon.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, malaki ang naitulong ng mga guro sa matagumpay na eleksyon.
Siniguro rin ng DepEd na agad makukuha ng mga guro ang kanilang honorarium na 4,500 pesos sa pamamagitan ng ATM at cash card.
Naglaan ang COMELEC ng 30 million pesos para sa honorarium ng mga guro.
(UNTV NEWS)