Hindi pa rin nasisimulan hanggang ngayon ang canvassing ng mga election result sa lalawigan ng Aklan.
Dahil sa 17 munisipalidad sa buong Aklan, pito pa lamang ang natatanggap ng provincial consolidation and canvassing system o ccs na transmission ng election result.
Ayon kay Atty. Roberto Salazar, ang election officer sa lalawigan, sinubukan na aniya ng kanilang technician na ayusin at ilipat ng posisyon ang satellite disc.
Maari aniyang nasasagi ng mga dumadaan ang pinaglalagyan ng satellite kaya nawawalan ito ng signal at di natatanggap ang resulta ng halalan.
Ngayon araw ay muling susubukang i-transmit ng mga Board of Election Inspector sa mga munisipalidad na di pa natanggap ng provincial B-O-C ang election result sa kanilang lugar.
(UNTV NEWS)