Dahilan ng mabagal na internet connection sa bansa, sinimulan imbestigahan ng NTC

by Radyo La Verdad | May 6, 2016 (Friday) | 14106

INTERNET
Nagkaharap na kahapon sa National Telecommunications Commission ang mga respondent at petitioner kaugnay sa dinidinig na isyu sa magabal na internet connection sa bansa.

Subalit sa pagdinig, hindi parin nakapagsumite ng sagot ang mga respondent.

Kaya naman binigyan sila ng NTC ng hanggang May 12 upang sagutin ang petisyon ni dating Congressman Rolex Suplico, saka naman ito gagawan ng aksyon ng NTC.

Sa petisyong inihain ni suplico kinukuwestiyon nito ang umano’y 700 megahertz provisional authority na ibinigay ng NTC sa tatlong telcos na wi-tribe, new century at high frequency na hindi naman umano ginagamit ng mga ito.

Aniya kung ang frequency na ito ay ibibigay na lamang sa mga exsisting telcos, mas bibilis ang internet connection sa bansa.

Sa ngayon ayaw munang magsalitang NTC kaugnay sa kanilang isinasagawang pagdinig.

Subalit tiniyak ng NTC na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang mapabilis ang internet sa bansa.

Ayon naman kay NTC Regulation Branch Director Edgardo Cabarios, makatutulong sa pagpapalakas ng connection sa bansa kung magatayo ng maraming mga cell site.

Subalit base aniya sa report na kanilang natatanggap, nahihirapan ang mga telcos na magtayo ng karagdagang cell sites dahil sa dami ng mga requirement na hinihingi ng mga local goverment units.

Samantala kasalukuyan nang nakahain sa dalawang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas para mapabilis ang koneksyon ng internet sa bansa.

Sa buong mundo, isa ang Pilipinas sa may pinakamahal at pinakamabagal na internet connection sa mundo.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: , , ,