Madali nang malalaman kung mayroong traffic violation na nagawa ang isang motorista.
Sa pamamagitan ng mayhuliba.com ng MMDA, lahat ng mga paglabag sa batas trapiko ng mga motorista sa ilalim ng no-contact comprehension policy ay pwede na ma check on-line.
Kailangan lamang pumasok sa naturang website at i-type ang plate number ng sasakyan at i-click ang search.
Matapos nito ay makikita sa website kung anong klaseng violation ang nagawa, lokasyon kung saan nangyari ang paglabag kabilang na ang araw at oras.
Malalaman na rin sa website ang status ng notice of violation, kung naipadala na ba ito o hindi pa.
Kung wala naming huli ang iyong sasakyan, sasabihin ng website ang salitang wala, subalit hindi ditto nagtatapos, naglagay ang MMDA ng mga hugot lines.
Nagpaalala naman ang MMDA sa mga motoristna dapat ay regular na bisitahin ang website upang maging updated sa status ng kanilang violations.
Nilinaw rin ng MMDA na ang 7 day grace period upang i-settle ang traffic violation ticket ay magsisimula lamang sa oras na matanggap ang notice at hindi sa panahon na makita sa website ang violation.
Kung matapos ang pitong araw na hindi mabayaran ang multa ay i-aalarma ng MMDA ang pangalan ng motorista sa LTO.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, ginawa ang website dahil sa kahilingan ng mga motorista na malaman nila agad kung mayroon ba silang huli sa no contact apprehension policy.
Ayon kay Carlos, ang mayhuliba.com ang magpapadali sa proseso upang maberipika ng mga motorista ang kanilang nagawang traffic violation.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit limang libong violations na ang naitala ng MMDA gamit ang no contact apprehension policy simula ng ilunsad ito noong Abril
Qala pa namang motorista ang nag reklamo hinggil sa natanggap nilang notice of violation.
Tags: mayhuliba.com, No Contact Apprehension Policy, traffic violation