EDSA bahagyang lumuwag simula nang ipatupad ang no contact apprehension policy

by Radyo La Verdad | May 6, 2016 (Friday) | 901

EDSA
Nabawasan na ang mga sasakyan sa EDSA simula nang ipatupad ang no contact apprehension ng Metropolitan Manila Development Authority.

Base ito sa obserbasyon ni HPG Director PCSupt. Arnold Gunnacao.

Ito’y dahil may takot na ang mga motorista na lumabag sa batas trapiko at sa number coding scheme.

Gayunman, aminado si Gunnacao na mga bus pa rin ang kalimitang lumalabag sa batas trapiko lalo na sa mga unloading zone.

Sa kabila naman ng mga cctv na nakalagay sa kahabaan ng EDSA, tuloy pa rin ang pagmamando ng HPG sa EDSA at sa mga kalapit na kalye nito.

(UNTV NEWS)

Tags: