Native Animal Production Development Bill isusulong na sa Senado

by Radyo La Verdad | May 6, 2016 (Friday) | 2356

BABOY
Naniniwala ang Bureau of Animal Industry na malaking tulong kung may batas ang Pilipinas sa produksyon ng mga native na livestock.

Ayon kay Director Rubina Cresencia, ang mga native na hayop ay madaling maka-adopt sa mainit na panahon tulad ngayong umiiral ang El Nino sa ngayon.

Ayon sa opisyal ng BAI, sakaling maisabatas makakatulong ito para sa dagdag na kita ng mga magsasaka.

Kaugnay nito, suportado ng bai ang mga proyekto ng Villar Urban Farm School sa Las Pinas.

Makikita sa Villar Farm School ang mga native na mga hayop gaya ng baboy, bibe, manok at pabo.

Nagsasagawa ng libreng workshop ang farm school sa native animal production para sa nag-aalaga ng hayop sa mga taga- Paranaque, Cavite, Rizal at Batangas.

Itinuturo sa workshop ang pagpapakain sa mga native livestock ng organic feeds, pagtatanim ng damo, puno at halaman na maaring kainin ng mga native na hayop.

Kahapon natapos ang workshop na nagsimula noong pang May 2.

Sinabi ni Committee on Agriculture and Food Chairman Senator Cynthia Villar kapag naisabatas na ang panukalang batas ay maglalaan ang pamahalaan ng pondo para sa pagpaparami ng mga native na hayop sa buong bansa.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: , ,