Nahirapan ng husto sina Nick Kiryos at Kei Nishikori bago nagwagi sa kani-kanilang mga katungali at maka-usad sa third round ng Madrid open nitong Myerkules.
Kinailangan ng unseeded na Australian na si Kyrgios ang one hour and 45 minutes bago napayukod si Stan Vavrinka ng Switzerland 7-6 7-6.
Tinalo naman ng 6th seed na si Nishikori ng Japan si Fabio Fagnini 6-2, 3-6, 6-7 sa larong tumagal ng dalawang oras at labindalawang minuto.
Hihintayin na lamang ni Kiryos ang mananalo kina Pablo Cuevas ng Uruguay at Gaelmonfils ng France para sa kanyang third round assignment.
Si Richard Gaskei naman ng France ang makakasagupa ni Nishikori sa third round ng torneo.
Samantala, bukod kay Kiryos at Nishikori, pasok na rin sa ikatlong round ng torneo si top seed Novak Djokovic matapos talunin ang Croatian teenager na si Borna Chorich.
(UNTV NEWS)