Dating kalihim ng DFA na si Sec. Domingo Siazon Jr., pumanaw na

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 2051

Sec.-Domingo-Siazon-Jr
Pumanaw na ang dating kalihim ng Department of Foreign Affairs o DFA na si Sec. Domingo Siazon Jr. sa edad na 77 sa Tokyo, Japan dahil sa prostate cancer.

Si Sec. Domingo Siazon Jr. ay dating DFA Secretary noong panahon ni former president Joseph Estrada.

Bukod dito, siya ay naging Philippine Ambassador sa Japan at naging Director-General ng United Nations Industrial Development Organization.

Ipinanganak sa lalawigan ng Cagayan noong July 9 1939, si Siazon ay fluent sa Ilokano, French, Japanese, Spanish, Filipino at English dahil sa tagal ng kanyang paglilingkod sa foreign service.

Si Siazon ay nagtapos ng Bachelor of Arts Degree in Political Science sa Ateneo de Manila University.

Siya rin ay nagtapos ng second degree in Physics sa Tokyo University of Education bilang isang Japanese government scholar.

Nagtapos din siya ng Master of Public Administration sa John F. Kennedy School of Government, Harvard University sa Massachusetts at may economics certificate mula sa Economic Institute of the University of Colorado.

(UNTV RADIO)

Tags: