Donald Trump, presumptive nominee ng republicans matapos magbackout sa presidential race si Ted Cruz

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 1229

TRUMP
Itinuturing na ni Republican National Committee Chairman Reince Priebus na presumptive nominee si Presidential Candidate Donald Trump matapos manalo ito sa katatapos na presidential primary sa estado ng Indiana.

Bagama’t hindi pa nakukuha ang required number ng delegates na 1,237 sinasabing si Trump na ang mananalo dahil umatras na si Senator Ted Cruz sa labanan.

Hindi na itinuloy ni Cruz ang kampanya matapos na lumabas ang resulta sa Indiana dahil wala na siyang tsansa na makahabol pa kay Trump.

Samantala, nanalo naman si Senator Bernie Sanders laban kay Secretary Hillary Clinton sa Democratic Indiana Primary.

Sa kabila ng pagkapanalo ng senador, hindi naman inaasahang makakabawas ito, sa malaking kalamangan ni Clinton sa delegates count.

Ayon kay Sanders, tuloy ang laban hanggang sa democratic party convention sa Hulyo.

Ang mananalo sa democratic at republican primaries ang maglalaban sa general presidential elections sa Nobyembre.

(James Bontuyan/UNTV NEWS)

Tags: