Inihaing impeachment complaint laban sa siyam mahistrado ng Korte Suprema, hindi tinanggap ng House of Representatives

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 3115

JUSTICES
Bigong makapaghain ng impeachment complaint sa mababang kapulungan ng kongreso si Teofilo Parilla.

Nais sana ni Parilla na ipa-impeach ang 9 mahistrado ng Korte Suprema na sina Associate Justice Jose Perez, Justice Presbitero Velasco Jr., Jose Mendoza, Lucas Bersamin, Marvic Leonen, Francis Jardeleza, Diosdado Peralta, Alfred Benjamin Caguioa at si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ginawang batayan ng complainant sa kanyang reklamo ay betrayal of public trust at culpable violation of the constitution bunsod ng pagpabor nila sa desisyon na payagang tumakbo sa pagkapangulo si Senator Grace Poe.

Subalit dahil walang kongresistang nag-sponsor ng kanyang complaint hindi tinanggap ng kamara ang reklamo.

Batay sa rules of proceedure in impeachment proceedings, kinakailangan ng endorsement ng miyembro ng House of Representative ang isang verified complaint na isinampa ng isang pribadong mamamayan bago ito tanggapin ng secretary general at i-refer sa House Speaker.

Aminado si Parilla na hindi nya alam ang rules sa paghahain ng reklamo sa kamara.

Kaya naman ngayon nananawagan sya sa mga kongresista na tulungan syang maihain ang kaniyang impeachment complaint.

Si Parilla ay isang political consultant subalit itinanggi nitong sabihin kung kaninong politiko sya konektado.

Itinanggi rin nito na may nagutos sa kanyang ihain ang complaint laban sa senadora.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: ,