Muling nagsagawa ng rally sa harap ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ang ilang empleyado na tutol sa gagawing pansamantalang paglilipat sa kanila sa ibang ospital habang ginagawa ang bagong gusali ng ospital.
Pangamba nila tuluyan na silang mawalan ng trabaho pagpasok ng bagong administrasyon.
Nauna namang siniguro ng pamunuan ng ospital at ng Dept. of Health na hindi mawawalan ng trabaho angkanilang mga empleyado nito kahit na idedeploy dahil mga nasa plantilla positions anya sila.
Ngunit ayon sa Fabella Health Workers Association, mayroon pa ring maaapektuhan ng downsizing ng ospital.
Sinikap din naming kunan ng pahayag ang pamunuan ng Fabella Hospital ngunit hindi pa sila tumutugon sa aming kahilingan.
Kinakailangan nang bagong gusali ng naturang ospital matapos lumabas sa pagsusuri na mahina na ang ilang pundasyon nito at sadya nang mapanganib.
Ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ay ikino-konsidera ring national maternity hospital ng Pilipinas dahil sa dami ng bilang ng mga nanganganak dito araw-araw.
(Darlene Basingan/UNTV NEWS)