Injured grass owl na natagpuan sa Quezon City, tinurn-over sa Philippine Wildlife Center

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 1766

GRASS-OWL
Mahinang mahina at halos hindi makagalaw ang grass owl na ito nang dalhin ni Ruben Alinoy sa UNTV.

Sa kwento ni Alinoy, nang makita niyang sugatan ang ibon agad niya itong kinuha at humingi ng tulong sa UNTV upang agad madala sa beterenaryo.

Sinamahan namin si Alinoy sa Philippine Wildlife Center upang doon i-turn over ang grass owl.

Ayon kay Wildlife Rescue Center Veterinarian Dr.Riza Salinas nagtamo ng matinding pinsala sa kanang pakpak ang ibon dahil sa umanoy pagkakasabit nito sa puno.

Kaya naman matapos ang ilang oras na pagpapahinga sa ibon agad itong nilapatan ng lunas.

Sinabi pa ni Dr. Salinas na magsasagawa sila ng assesment ng ilang linggo kung ligtas pa itong ibalik sa kanyang natural habitat.

Paalala pa ng Philippine Wild Life Center na sa ilalim ng RA 4147 ipinagbabawal ang pananakit, paghuli, pagaalaga at pagbebenta ng mga ganitong klaseng ibon.

Ang grass owl ang karaniwang nakikita sa mapuno at matalahib na lugar.

Nananawagan nang National Wildlife Reaseach and Rescue Center sa publiko na kung kayo ay may matagpuang hayop lalo na kung ito ay maysakit at sugatan ay agad ipagbugay alam sa kanila o di kaya’y sa pinakamalapit na opisina ng DENR.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: , ,