Matapos ang naging masusing imbestigasyon ng Environmental Ombudsman Team, ipinagutos na nito ang pagsasara ng tatlong open dumpsites sa munisipalidad ng Hindang at Bato sa Leyte at sa Catarman, Northern Samar.
Inanunsyo ng Ombudsman sa naging open public hearing nito sa Leyte Normal University sa Tacloban City na lumabag ang mga nasabing dumpsite sa National Ecological Solid Waste and Management Act.
Isinagawa ang naturang public hearing at forum upang i-assess kung sumusunod ang mga lokal na pamahalaan sa Solid Waste Management Law.
Sa ilalim kasi ng batas na ito, hindi pinahihintulutan ang open dump sites dahil sa epekto nito sa kapaligiran.
Sa halip dapat mayroong, sanitary landfills at materials recovery facility ang lgus para sa maayos na recylcing at segregation ng mga basura.
Pinangunahan ang event ng Ombudsman, Department of Environment and Natural Resources at ibang civil society organizations.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)