Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino the third ang Republic Act Number 10771 o ang Philippine Green Jobs Act of 2016.
Sa ilalim ng bagong batas, hinihikayat ang mga kumpanya o mga mamumuhunan na isulong ang green jobs.
Ito ang mga trabaho sa agriculture, industry o service sector na nakakatulong sa pagreserba at pagrestor ng kalidad ng kapaligiran, at sa pagbawas ng polusyon na nakakasira sa kalikasan.
Ang mga kumpanyang magsusulong ng green jobs ay magkakaroon ng special deduction sa taxable income tax.
Magiging tax and duty free rin ang importation ng mga capital equipment para sa green jobs.
Inaasahang makatutulong ang kalalagdang batas upang maka-akit ng mas marami pang pamumuhunan sa produksyon ng electronic vehicles at mga power company na gumagamit ng renewable resources tulad ng windmills at solar panels.
(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)
Tags: green jobs, Philippine Green Jobs Act of 2016, Republic Act Number 10771