Preliminary investigation sa money laundering case nina Maia Deguito at Kim Wong, tinapos na ng DOJ

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 3299

money-laundering-case
Hindi na pumayag ang piskal na humahawak sa money laundering case nina Maia Deguito at Kim Wong na magbigay pa ng karagdagang panahon upang masagot ang mga akusasyon laban sa kanila.

Sa pagdinig kahapon, hiniling sana ng kanilang abogado na muling ipagpaliban ang pagsusumite ng counter affidavit dahil sa panibagong reklamo na isinampa ng AMLC laban sa Philrem.

Ngunit tinutulan ito ng mga abogado ng AMLC kayat nagpasya ang piskal na bigyan sila ng hanggang alas singko ng hapon kahapon upang magsumite ng kanilang kontra salaysay at pagkatapos nito ay submitted for resolution na ang kaso.

Ayon sa abogado ni Kim Wong, pakiramdam nila ay minamadali ng AMLC ang kaso.

Ito naman ang pahayag ng abogado ni Deguito.

“Bakit gusto ng amlc na sarhan ang kaso na ang involved lang ay Philrem, si Ms. Deguito at si Mr. Kim Wong. Kasi kung susuriin natin sino ba ang nagpapasok nung $81-M si Mr.Kim Wong ba? Si Ms Deguito ba? Philrem ba? Hindi eh. RCBC main office.”
Pahayag Atty. Ferdinand Topacio

Binatikos din nito ang AMLC sa pautay utay na pagsasampa ng kaso gayong lahat ito ay nag ugat sa sinasabing laundering ng 81-million dollars na ninakaw sa Central bank ng Bangladesh.

Hindi naman sumipot sa pagdinig at walang ipinadalang abogado ang Chinese national na si Weikang Xu na kasama rin sa sinampahan ng reklamo ng AMLC.

(Roderic Mendoza/UNTV NEWS)

Tags: