Mayor Duterte, muling nanguna sa latest Pulse survey

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 2190

JOEIE_DUTERTE
Nangunguna pa rin sa pinakahuling survey ng Pulse Asia si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa survey na kinomisyon ng ABS-CBN noong April 26 hanggang 29 sa 4,000 registered voters, nanatili si Mayor Duterte sa unang pwesto na nakakuha ng 33 percent.

Pumapangalawa na si dating Interior Sec. Mar Roxas na mayroon 22 percent habang si Senator Grace Poe ay nakakuha ng 21 points.

Nanatili naman sa ika-apat na puwesto si Vice President Jejomar Binay na may 17 percent rating at panghuli si Senator Miriam Defensor Santiago na nakakuha ng two percent.

(UNTV RADIO)

Tags: ,