Mahigit 2,000 VCMs sinimulan nang ihatid sa mga voting precincts sa Bulacan

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 962

VCM
Ipinadala na ng Commission on Elections sa dalawampu’t isang bayan sa Bulacan ang vote-counting machines na gagamitin para sa halalan sa darating na Lunes, Mayo a-nueve.

Kahapon, inihatid ang mga VCM sa Coastal Barangays sa Bulacan pati na sa San Jose del Monte, Meycauayan at Malolos.

Kabuuang 2,435 VCMs ang kailangang maideliver sa bawat clustered precincts, kalakip ang official ballots, ballot boxes at iba pang election paraphernalia.

Kasabay nito ay ang deployment na rin ng 1606 pulis sa bawat presinto, at mga sundalo na magmamando naman ng mga checkpoint.

Ikinatuwa naman ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors ang mas maagang pagdating ng election materials ngayon kumpara noong mga nakaraang halalan.

(Nestor Torres/UNTV NEWS)