Umabot na sa 53 ang mga insidente na kumpirmadong may kinalaman sa eleksyon.
Ayon sa Commission on Human Rights, karamihan sa mga kasong ito ay namatay ang biktima.
Bukod pa rito ay ang 47 insidente na iniimbestigahan parin ng “bantay karapatan sa halalan” kasama na ang umano’y 23 pagpatay sa Region 8.
Naglagay ng 18 special areas of concerned ang grupo kung saan napagalamang may mga reported incident ng election related violence.
Karamihan sa mga biktima ay mga suporter ng mga kandidato at may ilan naman na tumatakbo sa pagka gobernador at mayor.
Subalit mas mababa naman ang validated election related incidents na naitala ng Philippine National Police ngayong eleksyon kumpara sa mga nakaraang halalan.
Simula noong Jan. 10 hanggang April 26, nasa 104 na insidente ang kanilang naitala at 14 lamang ang validated election related incidents.
Mas mababa ito sa 178 noong 2007 election, 166 noong 2010 at 109 noong 2013.
Nananatili naman sa 9 ang election watchlist areas na kinabibilangan Ng Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao, Lanao Del Sur, Abra, Nueva Ecija at Lanao del Norte.
Habang isinailalim naman sa COMELEC control ang Pantar Lanao del Norte.
Hinikayat naman ng bantay sa karapatan sa halalan ang publiko na magsumbong sa kanilang tanggapan sa anumang election related violence lalo na’t nakahanda naman silang magbigay ng witness protection program.
(Rey Pelayo/UNTV NEWS)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com