Zero budget umano ang 24 na opposition congressmen para sa susunod na taon. Sa isang listahang nakuha ng UNTV, pito dito ay mula sa independent minority nina Congressman Edcel Lagman na mas kilala bilang magnificent 7, lima ay mga Liberal Party Congressmen, pitong miyembro ng Makabayan Bloc at limang iba pa kung saan kasama si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.
Simula nang ideklara ng Korte Suprema noong 2013 na unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund o PDAF ng mga kongresista, binigyan na lamang ang mga ito ng kapangyarihan na pumili ng mga proyekto para sa kanilang distrito na irerekomenda at aaprubahan ng mga concerned agencies o department. Ngunit hindi direktang ibinibigay ang pondo sa mga mambabatas.
Sa deliberasyon umano ng budget ngayong taon, naaprubahan ng concerned departments ang proposed projects ng 24 na mambabatas, ngunit naalis ito sa final version ng budget.
Pero ayon sa Makabayan Bloc, ni minsan ay hindi sila humingi ng anomang pondo. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang ilan sa mga kongresistang kasama sa listahan.
Sinubukan din ng UNTV na kunin ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvalez, subalit hindi pa ito sumasagot saaming mga text at tawag.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: opposition congressmen, pondo, tinanggalan