24 na drug surrenderer nakapagtapos sa isang buwang reformation program sa Bulacan

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 2644

Handa nang humarap sa bagong yugto ng kanilang buhay ang dalawampu’t-apat na drug surrenderer mula sa San Rafael Bulacan.

Ito ay matapos  ang isang buwang rehabilitasyon sa Bahay Pagbabago ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan.

Tinuruan ang mga ito ng tamang pakikisama sa kapwa tao at mga paraan upang tuluyang makaiwas sa dating masamang pamumuhay.

Katuwang naman ng PNP at LGU ang Members Church of God International o MCGI sa pagbibigay ng gabay sa mga drug surrenderer sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng bible studies.

Bukod sa spiritual at social reformation, sumailalim ang mga ito sa training sa motorcycle at appliance repair sa ilalim ng Technical Aducation and Skills Development Authority o TESDA at Public Employment Service Office o PESO.

May inilaan namang sampung libong piso ang LGU bilang financial assistance sa bawat nagsipagtapos.

Isasailalim ng PNP sa monitoring ang mga nagsipagtapos kung tuluyan ng umiwas ang mga ito sa masamang bisyo.

 

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,