Inalis sa pwesto ang 24 na chief of police sa Mimaropa o Region 4B epektibo nitong ika-11 ng Hunyo 2018.
Ito’y dahil na rin sa mababang accomplishment ng mga ito sa laban kontra iligal na droga.
Ayon kay Mimaropa Director PCSupt. Emmanuel Licup, agad niyang inaprubahan ang rekomendasyon ng oversight committee na siyang nakatutok sa trabaho ng pulis matapos makita ang mahinang performance ng mga ito.
Nagbabala pa si Licup sa natitirang 53 chief of police sa Mimaropa na triplehin ang kanilang trabaho upang hindi matulad sa 24 na inalis sa pwesto dahil sa mababang performance laban sa iligal na droga.
Tags: iligal na droga, MIMAROPA, pulis