23M Pilipino, target na mabigyan ng COVID Booster sa unang 100 araw ni PBBM

by Radyo La Verdad | July 20, 2022 (Wednesday) | 9873

METRO MANILA – Target ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na mabakunahan ng booster shot ang 23 milyong Pilipino sa kaniyang unang 100 araw sa pwesto.

Bunsod nito ay inatasan na ni PBBM ang Department of Health (DOH) na palawigin pa ang COVID-19 booster vaccination sa bansa.

Sa ngayon, 15 milyon pa lamang ang nagpapa-booster laban sa COVID-19, out of 55 million na fully vaccinated.

Sa pagtaya ng kagawaran ng kalusugan, para maabot ang target na 23 million, kailangang makapag-bakuna ng booster shot ng nasa 397,000 na Pilipino kada araw sa loob ng 80 araw.

Kaya naman itong abutin, ayon sa DOH, sa kasalukuyang capacity at mga vaccination site na operational sa buong bansa. 

Tags: