Emergency shelter assistance, tapos nang ipamahagi sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Region 8-DSWD

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 2016

JENNLYN_SOLIMAN
Nakumpleto na ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi sa 9-billion pesos na pondo para sa emergency shelter assistance sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.

Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, sa ilalim ng Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan ay tapos na ang pamimigay ng ayuda para sa mga biktima na sinimulan noong 2014.

Kaya naman hindi ito dapat gamitin at ipangako ng ilang kandidato kapalit ng boto ng mga naapektuhan ng kalamidad sa rehiyon.

Hinikayat rin ng kalihim ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na isumbong sa Commission on Elections ang mga nananakot na aalisin sila sa listahan kung hindi iboboto ang isang kandidato.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,