Most hygienic toothbrush case kung tawagin ang brushield dahil sa kakayahan nitong protektahan ang sepilyo sa mga mikrobyo.
Ang brushield toothbrush case ay gumagamit ng silver-ionic technology na nagsisilbing anti-microbial protector nito.
Pinipigilan nito ang pagdami ng microbes sa toothbrush at pinapatay na ang bacteria sa surface nito.
Ang case na ito ay gawa sa aircraft grade aluminum at may anti-microbial layer at built-in magnetic locking system.
Nabuo ang ideyang ito dahil sa impormasyon na ang sepilyo ay tinitirhan ng maraming germs at madaling kapitan ng mga parasite at virus na maaaring magdulot ng sakit.
Sa pamamagitan ng brushield case ay nami-minimize ang mga external threat na makakapasok sa toothbrush.
Ang bawat isang case ay nagkakahalagang 29 dollars o mahigit isang libong piso.
(UNTV RADIO)