Mga residente sa San Miguel, Bulacan, nabigyan ng serbisyo sa libreng medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 1891

MEDICAL-MISSION
Labinlimang taon nang may sakit sa puso at hindi nakakapagpa-check up sa doktor ang trenta’y tres anyos na si Benneth May Gomez.

Halos isang linggo na rin siyang may ubo at sipon pati na ang dalawa niyang anak ngunit hindi nila magawang makabili ng gamot dahil sa kawalan sa buhay.

Kaya nang mabalitaan niya na may libreng medical mission ang UNTV at Members ng Church of God International sa Barangay Salangan, San Miguel ay agad niyang sinamantala ang pagkakataon upang makahingi ng libreng gamot at konsultasyon.

Kabilang rin sa mga inialok na serbisyo ay ang pedia at medical adult consultation, optical checkup, cbc, libreng pabunot ng ngipin, libreng masahe, libreng gupit at libreng gamot at legal consultation.

Sa kabuuan, umabot sa 934 ang bilang ng mga napaglingkuran sa medical mission.

Labis naman ang pasasalamat ng Municipal Agriculture Office, at ng San Miguel Cooperative Department dahil sa matumpay na medical mission.

Tatlong oras silang naglakbay mula Metro Manila hanggang San Miguel upang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga nangangailangan.

Ang pagsasagawa ng libreng medical mission ay bahagi ng adbokasiya ng UNTV at MCGI na makatulong sa kapwa-tao, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

(Nestor Torres/UNTV NEWS)

Tags: , , ,