Habagat, posibleng mag-umpisa nang umiral ngayong buwan

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 7410

PAGASA
Humihina na ang El Niño phenomenon na umiiral sa Eastern at Central Equatorial Pacific dahil sa pababang temperatura ng karagatan.

Ayon sa PAGASA, ang indikasyon nito ay ang mga pag-ulang nararanasan sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Nabawasan narin ang mga lugar na nakararanas ng tag-tuyot.

Sa buwan ding ito inaasahang maguumpisa ang pagiral ng Southwest Monsoon o Habagat subalit hangggang sa kalagitnaan ng Mayo ay posible paring maramdaman ang maalisangang temperatura.

Ayon sa PAGASA, malaki parin ang tsansa na umiral naman ang La Niña sa tag-ulan na posibleng magdulot ng malawakang pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar.

Mula Enero hanggang ngayon ay wala pang pumapasok na bagyo sa loob ng philippine area of responsibility subalit hanggang Setyembre ay posibleng may 5 bagyo na.

(Rey Pelayo/UNTV NEWS)

Tags: