Contingency plan sakaling magkaroon ng aberya sa araw ng botohan sa Cebu, inihahanda na

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 1791
file photo
file photo

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng COMELEC para sa nalalapit na halalan sa Cebu.

Kabilang na rito ang paglalatag ng contingency plan para sa worst case scenarios gaya ng shooting incidents, VCM snatching at pagsunog sa polling centers.

Na-brief na rin ang mga guro sa mga gagawin sakaling magkaroon ng problema sa araw ng eleksyon.

Paalala rin ng COMELEC sa political supporters na iwasang magsuot ng damit na may pangalan ng mga kandidato gayundin ang pamimigay ng campaign paraphernalias dahil maituturing itong electioneering.

Payo rin nila sa mga botante na bumisita sa election offices upang alamin kung saang presinto nakalista ang kanilang pangalan.

(Gladys Toabi/UNTV NEWS)

Tags: ,