2 pulis, nagbarilan sa Pasay City; isa kritikal, isa sugatan

by Radyo La Verdad | May 2, 2016 (Monday) | 3058

BARILAN
Nagkalat ang mga basyo ng bala ng baril sa FB Harizon Street corner David Street Pasay City nang magkabarilan ang mga Police Pasay na nakaduty sa lugar at isang pulis na naka-assign sa Laguna pasado alas onse kagabi.

Ayon sa nakakita sa pangyayari, tatlong pulis pasay ang rumesponde sa nangyaring vehicular accident sa lugar para mamagitan.

Habang naguusap sa barangay outpost ang mga pulis at mga sangkot sa aksidente bigla umanong pumasok at nakialam ang nakasibilyang pulis laguna na kinilalang si PO1 Christopher Lakap na tila nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Kritikal sa San Juan De Dios hospital ang binaril na pulis na kinilalang si PO1 Eduardo Lomboy Jr. na nakaassign sa Buendia police community precint matapos magtamo ng tama ng bala sa leeg at sa katawan.

Nakatakas si Lakap at nagtago sa bahay ng kanyang tiyuhin di kalayuan sa crime scene pero naaresto siya ng mga miyembro ng swat.

Dinala sa Pasay General hospital si Lakap na nagtamo naman ng tama ng bala sa hita at siko nadamay din sa barilan ang ilang sasakyan na nakaparada sa lugar.

Ayon sa mga residente ng barangay kilala ang suspek na naghahanap ng away kapag nalalasing.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: ,

Curfew sa Pasay, mas pinaigting ng PNP

by Erika Endraca | March 17, 2021 (Wednesday) | 14137

PASAY CITY, MANILA – Mas pinaigting na pagpapatupad ng curfew hours ang ginawa ng Pasay City Police bilang parte ng basic health protocols kontra COVID-19 sa nasabing lugar.

Sa loob lamang ng 3 araw, nakahuli ng 448 curfew violators ang mga pulis sa lungsod, at ang mga dahilan ng ito ay may binili lamang o hindi nila alam na may bagong curfew ayon sa isang report ni Col. Cesar Panday-os.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi-Calixto Rubiano, kailangan ang mahigpit na pagpapatupad sa curfew hours upang mabawasan ang posibilidad ng pagtaas ng kaso sa lugar. Idinagdag din nito na ito ang “best time” para makipag-cooperate ang lahat at gawin ang kani-kanilang parte para sa benepisyo ng lahat.

Nakiusap din ang mayor na sumunod na lamang ang mga kababayan nito upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na “matagal ng nagpapahirap sa atin”. Marami parin ang lumalabas sa bahay para lang gumala kahit walang importanteng dahilan o lakarin at nagpapalusot na lamang ayon kay Panday-os.

May kaaibat na bayarin ang mga violators na kailangan bayaran sa loob ng 24 na oras upang wag makulong. Para hindi mahuli, nagpaalala si Panday-os na sumunod na lamang sa curfew, at sundin din ang health protocols, tulad ng pagsuot ng face mask at shield, pati na din ang social distancing.

(Jacobsen Aquino | La Verdad Correspondent)

Tags: ,

Vaping sa mga pampublikong lugar, mahigpit nang ipinagbabawal sa Pasay City

by Erika Endraca | November 12, 2019 (Tuesday) | 18461

METRO MANILA – Mahigpit nang ipinagbabawal sa Pasay City ang paggamit ng vape o electronic cigarettes sa mga pampublikong lugar.

Layunin ng City Ordinance 6061 na protektahan ang publiko sa mapaminsalang epekto nito sa kalusugan. Kasama rin sa ipagbabawal ang pagbebenta ng E-cigarette products sa mga menor de edad.

Nakasaad sa naturang ordinansa na bawal na itong gamitin sa loob ng mga opisina, ospital, health care centers, government offices, mga paaralan at sa recreational facilities. Ang sinomang lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 – P4,000 o may katumbas ng 12 hanggang 24 na community service.

Tags: ,

Mahigit 2,000 mga nanay sa Pilipinas, nakiisa sa selebrasyon ng Breastfeeding Month

by Radyo La Verdad | August 6, 2018 (Monday) | 10771

Dalawang libo at dalawang daang mga nanay sa Metro Manila ang sabay-sabay na nagbreastfeed ng kanilang mga anak sa loob ng isang minuto sa isinagawang “Hakab na” campaign kahapon sa Pasay City.

Kaugnay ito ng pagdiriwang ng World Breastfeeding Month na ginugunita tuwing unang linggo ng Agosto.

Layon ng kampanya na maalis ang stigma o ang maling pagtingin ng mga tao kaugnay ng breastfeeding in public o sa isang pampublikong lugar.

Bukod dito, isinusulong din nito ang magagandang benipisyo ng gatas ng ina.

Bukod sa Metro Manila, una nang isinagawa ang mga katulad na activity sa ilang lugar sa bansa tulad sa Tagaytay noong Biyernes, kung saan 158 mga nanay ang nakiisa at sa Legazpi City sa Albay noong Sabado na dinaluhan naman ng 500 mga breastfeeding moms.

 

( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News