Namahagi ang Department of Agriculture ng mga kagamitan at isang milyong pisong pondo para sa livelihod projects ng mga maliliit na kooperatiba para sa mga magsasaka sa Nueva Ecija.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ay hand tractors, knapsack sprayers, fertilizers, bangka, mga lambat, kalabaw at transistor radios.
Tinalakay rin sa isinagawang farmers and fisherfolks forum na dinaluhan ng mahigit sa tatlong libong obrero ang kanilang mga problema at kung paano ito mabibigyang katugunan ng pamahalaan.
Bukod dito, isangdaan at limampu’t limang magsasaka naman ang nakatanggap ng libreng titulo ng lupa mula sa Department of Environment and Natural Resources kaugnay ng national greening program ng pamahalaan.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)
Tags: 000 magsasaka at mangingisda, D.A. AT DENR, livelihood programs at mga kagamitan, Mahigit 3