Database ng mga motoristang nahuli sa no-contact apprehension policy, ilulunsad ng MMDA

by Radyo La Verdad | May 2, 2016 (Monday) | 3082

mmda-logo
Nakatakdang ilunsad bukas ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang isang database na naglalaman ng listahan ng mga motoristang nahuli sa pamamagitan ng no-contact apprehension policy.

Kabilang sa database ang listahan ng mga plate number ng mga behikulong lumabag sa traffic rules and regulations na nakuhanan ng cctv, lokasyon, petsa at oras kung kailan nakunan ang traffic violation gayun din ang ginawang hakbang ng MMDA laban sa violator.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, tugon ito ng mmda sa kahilingan ng mga netizen na magbigay ng mabilisang paraan upang maberipika ng mga motorista kung kasama ba sila sa mga nahulicam.

Pitong araw ang ibinibigay sa mga motoristang nahulicam at nakatanggap ng notification sa MMDA upang kontestahin ang reklamo.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,