Naibalik na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bansa matapos ang ‘extradition proceedings”, ang isang Filipino-American na pangunahing suspek sa pagpatay kay Aika Mojica na matalik na kaibigan ng kanyang asawa noong Hulyo 2015 sa Olongapo City.
Kasama ng suspek na si Jonathan Dewayne Viane ang dalawang ahente ng Federal Bureau of Invesigation (FBI) at ahente ng NBI nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.
Nauna nang naaresto si Viane ng mga otoridad sa Amerika noong September 4, 2015.
Matatandaan na si Viane ang sinasabing gumahasa at pumatay kay Mojica.
Umalis ng Pilipinas si Viane, isang araw lamang matapos matagpuang patay si Mojica sa isang dike sa Santo Tomas River.
May kinakaharap nang kasong murder si Viane sa Olongapo Prosecutor’s Office.
(UNTV RADIO)