Isang bigtime oil price hike ang sasalubong sa mga motorista ngayong buwan ng Mayo.
Base sa oil industry sources, maglalaro sa P1.50 hanggang P1.60 ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina habang P1.30 hanggang P1.50 naman sa diesel.
May dagdag din ang kerosene na P1.30 hanggang P1.40 kada litro.
Ang panibagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa world market.
Samantala, maliban sa petrolyo, may paggalaw din sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Nagpatupad ang Solane ng P1.38 na dagdag sa kada kilo ng kanilang produktong LPG.
Katumbas ito ng P15.18 sa kada 11 kg cylinder.
(UNTV RADIO)
Tags: bigtime oil price hike