Ilang sundalo na kasama sa operasyon vs. Abu Sayyaf sa Sulu, hindi makakasali sa absentee voting ng COMELEC

by Radyo La Verdad | April 29, 2016 (Friday) | 2106

DANTE_SUNDALO
Umaabot sa mahigit limang libu ang tropa ng mga sundalo sa probinsya ng Sulu.

Marami sa kanila ay nasa mga kabundukan ngayon kaugnay ng nagpapatuloy na pinaigiting na opensiba ng afp laban sa bandidong abu sayyaf.

Alinsunod na rin ito sa naging mandato ni Pangulong Aquino matapos na mapugutan ang Canadian kidnap victim na si John Ridsdel.

Ayon sa ilang opisyal o ground commanders na nasa Sulu nakaboto na ang ilan sa kanilang mga tauhan lalo na ang mga nakatakdang bomoto.

Normal umano ang sitwasyon sa kanilang lugar kaya maayos ang proseso ng botohan sa pamamagitan ng absentee voting ng COMELEC.

Ayon kay Major Felimon Tan Jr., ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command.

Nagbigay na sila ng marching order sa kanilang mga tauhan na bumoto sa mga pwedeng bumoto.

Samantalang ang mga nasa kasalukuyang operasyon ay inaasahan na hindi makaboto.

Nauunawaan naman umano ng mga militar ang sitwasyon dahil sa kahalagahan ng kanilang tungkulin lalo na sa ganitong panahon.

Sa ngayon ay hindi pa ay nagpalatuloy pa ang absentee sa Sulu at inaasahang sa mga susunod na araw ay ilalabas ng AFP kung ilan ang nakaboto nilang mgat tauhan at gayun din ang hindi.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,