Renewable energy plants sa Visayas, gagamitin ng DOE at NGCP upang matiyak ang sapat na power supply sa halalan

by Radyo La Verdad | April 29, 2016 (Friday) | 2844

MON_NGCP
Puspusan na ang paghahanda ng iba’t ibang ahensya para sa idaraos na halalan sa Mayo a-nueve.

Sa isinagawang pulong sa Bacolod City ng mga kinatawan ng COMELEC, Department of Energy, National Grid Corporation of the Philippines, at Sandatahang Lakas ng bansa, tinalakay ang isyu ng seguridad at supply ng kuryente bago, habang at pagkatapos ng halalan.

Ayon kay NGCP Regional Head Communications Nelson Bautista, nakausap na nila ang mga operator ng mga planta na nagpo-produce ng renewable energy sa Visayas upang matiyak ang sapat na power supply.

Kabilang na rito ang solar power plants sa negros na makatutulong ng malaki sa energy reserves.

Sa isyu naman ng seguridad sa halalan sa Western Visayas, inilatag ng pnp ang kanilang plano sakaling magkaroon ng shooting incident at nakawan ng Vote Counting Machines.

Maging ang insidente ng lindol, volcanic eruption, bomb threat at barricaded access roads ay pinaghandaan rin.

(Primrose Guilaran / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,