Mahigit apat na pung Philippine Airforce ng AFP sa Baguio City, nakaboto na bilang absentee voting kaninang umaga

by Radyo La Verdad | April 29, 2016 (Friday) | 6428

GRACE_ABSENTEE-VOTING
Alas otso ng umaga nang umpisahan ang pagboto ng apat na put tatlong absentee voting ng Philippine Airforce ng armed forces of the Philippines Tactical Operation Group 1 na naka base sa Loakan, Baguio City.

Pinangunahan ito ni LTC Onorlie Brillantes ang Tactical Operations Group 1 leader.

Apat na put apat ng hukbong himpapawid ang nakatakdang bumoto sa araw na ito subalit isa dito ay hindi makakaboto dahil na assign sa ibang probinsiya kung saan malayo ito sa Baguio city.

Ayon kay LTC Brillantes tatlo pang airforce ang hinihintay na naka-assign sa Cauayan, Isabela upang bumoto.

Samantalahin sinabi rin ni Brillantes na nag request na rin sila sa Armed Forces of the Philippines ng dalawang aircraft na gagamitin sakaling kailangan ito para sa delivery ng Vote Counting Machines sa mga remote areas.

Ang dalawang aircraft ay ilalagay umano sa mga lugar na kabilang sa areas of concern ng Philippine National Police.

Ang isang aircraft itatalagang nakastandby sa Pangasinan habang ang isa naman ay sa Abra Province.

Samantala mahigit apat na pu naman ng Philippine Airforce sa Baguio City ang idedeploy na airforce sa Region 1 at Cordillera Admistrative Region.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,