Tinurn-over na ng US Navy sa Philippine Navy ang isang research vessel at pinangalanan itong barko ng Republika ng Pilipinas o BRP Gregorio Velasquez Auxiliary General Research 702.
Ito ang kauna-unahang oceanographic research vessel ng Philippine Navy at nakatakdang maglayag mula sa San Diego, California ngayong araw patungong Pilipinas.
Nasa limampung Philippine Navy personnel ang nagsanay sa Amerika para sa pamilyarisasyon at oriyentasyon sa operation at maintenance ng sea vessel na ito simula pa noong Marso.
Isa ang BRP Velasquez sa dalawang vessel na ipinangakong ibibigay ni U-S President Barrack Obama sa Pilipinas nang bumisita ito sa Pilipinas para sa APEC Leader’s Summit noong November 2015.
Makakatulong ang research vessel sa pag-aaral at proteksyon sa marine environment at exploration ng bansa at may kapasidad din ito para sa hydrographic survey.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: Amerika, Philippine Navy, Research vessel