Mahigit 5,000 Vote Counting Machines para sa Western Visayas, dumating na sa Iloilo City

by Radyo La Verdad | April 29, 2016 (Friday) | 1744

LALAINE_VCM
Bente-kwatro oras nang binabantayan ng mga pulis at sundalo ang warehouse sa Iloilo City kung saan nakalagak ang Vote Counting Machines na gagamitin sa May 9 elections.

Ayon sa COMELEC-Iloilo Office, kumpleto na ang bilang ng VMCs sa Western Visayas subalit hinihintay pa rin nila ang pagdating ng mga contingency machines o mga pamalit sakaling magkaroon ng problema sa makina.

Mayroong 5,102 clustered precincts ang Western Visayas kung saan may isang VCM ang ilalaan sa bawat presinto bukod pa sa mga naka-standby na VCM.

Kapag natapos ang imbentaryo sa mga makina, mga balota at iba pang election paraphernalia, ide-deploy na ito sa iba’t ibang lugar sa susunod na linggo.

Sa May 6 naman nakatakda ang final testing and sealing nito sa mga presinto.

Samantala tiniyak naman ng COMELEC na sapat ang kanilang mga balota sakaling magkaproblema sa araw ng halalan

Ngunit paglilinaw ng COMELEC, ang Board of Election Inspector ang magdedesisyon kung maaaring bigyan ng replacement ballot ang isang botante alinsunod sa general instructions for the BEI.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,