Nagpaalala si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa deadline ng paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN para sa taong 2015.
Ayon sa Ombudsman, inilipat ang deadline sa araw ng Lunes, May 2 dahil Sabado papatak ang April 30.
Dagdag pa nito, obligasyon ng mga opsiyal at empleyado ng gobyerno ang pagpapasa ng SALN dahil dito nakikita kung mayroon silang iligal, nakaw o itinatago na yaman.
Sa SALN nakalagay ang mga ari-arian, pera sa bangko gayundin ang mga personal at institutional loans, business interests at iba pa, ng isang opsiyal o empleyado ng gobyerno kasama ang kanyang asawa at anak na may edad labing walo pababa.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)