OCD at PIA, nagsagawa ng Information Caravan on Disaster Resilience sa La Union

by Radyo La Verdad | April 28, 2016 (Thursday) | 1818

TOTO_Information-Caravan-on-Disaster-Resilience
Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng media at Government Information Agency sa isinagawang Disaster Risk Reduction and Management caravan sa San Fernando, La Union.

Layunin nito na talakayin ang tungkulin ng media at Philippine Information Agency sa emergency management at pagbibigay ng impormasyon sa publiko lalo na sa panahon ng kalamidad.

Partikular na pinag-usapan ang Weather Forecasting System ng PAGASA-DOST pati na ang inilalabas na public storm warning signal tuwing may pumapasok na bagyo sa bansa;

At kung paano ito maipapaunawa ng media sa publiko para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Ang isinagawang pulong sa La Union ay unang bahagi pa lamang ng Information Caravan on Disaster Resilience.

Plano ng Office of the Civil Defense na maglibot sa iba pang probinsiya upang mapalawak ang information drive ukol sa disaster preparedness.

(Toto Fabros / UNTV Correspondent)

Tags: , ,