Umalis na ang barko ng Pilipinas na BRP Gregorio del Pilar upang makiisa sa isasagawag maritime exercises sa Brunei at Singapore.
Pinangunahan ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Caesar Taccad ang send off ceremony kahapon ng hapon para sa isandaang crew at limampung compelements mula sa Naval Special Operations Group (NAVSOG) at support team.
Sakay din ng barko ang isang Agusta Westland 109 naval helicopter.
Kabilang sa lalahukan ng Philippine Navy ang Association of Southeast Asian Nation o ASEAN defense ministers’ meeting kung saan makakasama nila ang kanilang forein counterparts sa isasagawang sea-storming or surface operations exercise.
Tags: BRP Gregorio del Pilar, Brunei at Singapore, maritime exercises