Ilang buwan bago magpalit ng administrasyon, nagbitiw na sa tungkulin si National Food Authority Administrator Renan Dalisay.
April 15 niya isinumite sa Malacanang ang kanyang resignation.
Kinumpirma ni Dalisay ang kanyang resignation sa gitna ng mainit pa ring isyu ng Kidapawan dispersal at lumalang epekto ng El Nino.
Ngunit nilinaw ni Dalisay na walang kinalaman ang insidente sa kanyang pag-alis sa nfa dahil matagal na niya itong plano.
Tiniyak din nito na maayos niyang iiwan ang NFA lalo na’t stable parin anya ang presyo at supply ng bigas.
Sa ngayon inaantay na lamang ni Dalisay ang approval ng pangulo.
Tiniyak din ni Administrator Dalisay na stable sa ngayon ang presyo ng bigas dahil sa sapat ang suplay ng nito sa bansa sa kabila ng nararanasang El Niño phenomenon.
Sa ngayon, 2 pesos kada kilo ang well milled rice habang 27 pesos naman ang regular milled rice.
Mayroong 1 point 13 metric tons ng bigas ngayon sa bodega ng NFA para sa isang buwang stock.
Sa ngayon ay wala pang target ang pamahalaan kung ilang metric tons ng bigas ang iimport nito para sa kabuuan ng taon.
(Darlene Basingan/UNTV NEWS)
Tags: NFA Administrator