Hiling na umento sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region, hindi maibibigay sa labor day – DOLE

by Radyo La Verdad | April 28, 2016 (Thursday) | 1914

MANGAGAWA
Walang dagdag na sweldo ang mga minimum wage earner sa National Capital Region sa labor day sa May 1.

Ayon sa Department of Labor and Employment, magsasagawa pa ng pagdinig at konsultasyon ang wage board kung nararapat na magpatupad ng umento.

Ngayon buwan ay nagsumite ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines sa wage board para hilingin ang P154 pesos na dagdag sa arawang kita ng mga obrero.

Sa kasalukuyan ay 481 pesos ang minimum wage sa National Capital Region.

Ngunit ayon sa grupo,lumalabas na nasa P364 na lamang ang tutuong value o purchasing power nito dahil sa inflation at pagtaas ng cost of living.

Ito ay batay anila sa pagtaya ng National Wage and Productivity Commission.

Noong Abril nang nakaraang taon ay P136 ang hiniling ng grupo ng mga manggagawa subalit P15 lamang ang naaprubahan.

Ayon naman sa Employers Confederation of the Philippines o ECOP, nakahanda naman ang mga employer na magbigay ng mga non-wage benefit.

Hindi naman anila masama ang kontraktualisasyon dahil ginagawa rin ito sa ibang bansa.

Nakahanda naman makipagtulungan ang ECOP upang linawin ang isyung ito.

Ayon sa DOLE, nasa 10 labor bill ang nasa kongreso upang maayos ang mga usapin sa kontraktualisasyon.

Tags: