Canada at America naglabas ng travel advisory kasunod ng pamumugot ng Abu Sayyaf sa Canadian na si John Ridsdel

by Radyo La Verdad | April 28, 2016 (Thursday) | 3549

CANADA
Matapos ang pagpugot ng militanteng Abu Sayyaf sa bihag nitong Canadian national na si John Ridsel, naglabas ng travel advisory ang Canada at America na huwag munang pumunta sa ilang probinsya sa Mindanao.

Ayon sa travel advisory, pinapayuhan ng Global Affairs Canada ang lahat ng bibisita sa pilipinas na huwag pumunta sa ilang partikular na lugar sa Mindanao dahil sa maaaring banta ng terorismo at kidnapping.

Nakataas ang travel advisory sa mga lalawigan ng Sulu, Tawi-Tawi, Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao. Ganun din sa Zamboanga Peninsula, Lanao del Norte at Davao del Sur.

Naglabas na rin ng travel advisory ang US State Department at binabalaanan ang mga mamamayan nito sa pagpunta sa Sulu Island at iba pang mga isla sa Sulu sea at mag-ingat sa pagtungo sa Mindanao dahil sa banta ng terrorismo at kidnapping sa mga Western citizen.

(Noel Poliarco/UNTV NEWS)

Tags: , ,