Power Task Force Election nakahanda sa banta ng pambobomba sa mga transmission tower

by Radyo La Verdad | April 28, 2016 (Thursday) | 1183

NGCP
Tutukan ng Power Task Force Election ang mga kritikal na lugar na kung saan madalas may ulat ng pambobomba sa mga transmission tower.

Madalas nangyayari ang pambobomba sa lugar ng Lanao at Cotabato na kinaroroonan ng Agus Hydro Power Plant na nagsusupply ng kuryente sa malalaking syudad sa Mindanao.

Dalawang tower ng National Grid Corporation ang binomba isang Linggo na ang nakakaraan

Noong nakaraang taon, mayroong labing walong pambobomba na naitala ang NGCP sa Mindanao.

Wala namang umaako sa mga pambobomba kaya pusupusan ang paghahanda na ginagawa ng task force lalo na ngayong darating na eleksyon.

Kasama sa Power Task Force Election ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na magpapatrolya sa mga kritikal na lugar.

Sa kabila ng mga napapaulat na banta ng pambobomba sa mga transmission tower ng NGCP, kung mawawalan man ng kuryente sa ilang bahagi ng Mindanao, siniguro ng Department of Energy na mayroong kuryente sa mga polling precinct sa araw ng halalan.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: