by Radyo La Verdad | April 27, 2016 (Wednesday) | 17689

PLAKA
Sa loob ng dalawang Linggo ay maipamamahagi na ng Land Transportation Office ang mga bagong plaka na hindi nai-release ng may walong buwan.

Kahapon kasama ang mga tauhan ng Commission on Audit ay binuksan na ang isa sa labing isang container na naglalaman ng mga bagong plaka.

Makikipagugnayan ang LTO sa mga car dealer para sa mga mayari ng bagong plaka at sa mismong mga owner naman para sa mga replacement plate.

Lahat ng mga plaka ay dadaan sa barcode scanning at ilang proseso bago ito ibigay sa mga Regional office, mayroong tatlong daang libong pares na motor vehicle, motorcycle at mga replacement plates ang nasa pangangalaga ngayon ng LTO.

Subalit nasa sampung porsiyento lamang ng mga kabuuang backlog ng LTO sa mga bagong plaka ang maire-release.

May natitira pang 2.7 million na backlog ang LTO sa plaka sa buong Pilipinas.

Sa NCR lamang, 110 thousand ang backlog sa mga bagong plaka habang 1.2 million naman sa mga replacement plate

Ayon sa LTO, hanggat hindi ina-alis ng COA ang notice of disallowance, magpapatong patong ang backlog nila sa mga plaka.

Sa oras na ma-lift ang notice of disallowance, sinabi ng LTO na kayang mapunan ng supplier ang backlog sa loob lamang ng anim na buwan.

Labing limang milyong plaka sa loob ng limang taon ang kontrata ng supplier sa LTO.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: ,