23 libong pamilya sa bansa, apektado ng mga pag-ulang dulot ng habagat

by Radyo La Verdad | August 16, 2016 (Tuesday) | 2017

FAMILIES
Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, tinatatayang dalawampu’t tatlong libong pamilya o mahigit sa isandaang libong tao ang apektado ng mga pag-ulan dulot ng pinaigting na hanging habagat.

Mahigit labing isang libo naman o katumbas ng limampung libong tao ang pansamantalang inilikas sa mga evacuation center.

Umakyat na sa pito ang naitalang patay kabilang na dito ang labing 14 at 16 na taong gulang na babae na nabagsakan ng firewall sa Sta Cruz Manila at ang anim na pu’t walong taong gulang na lalaki na tinangay ng malakas na agos ng tubig habang tinatawid ang ilog sa Canauillian, Janiuay, Iloilo.

Anim naman ang naitalang sugatan dahil sa epekto ng habagat at pito ang nawawala.

(UNTV RADIO)

Tags: