22 patay, mahigit 100 sugatan sa pagsabog sa Bangkok, Thailand

by Radyo La Verdad | August 18, 2015 (Tuesday) | 3148

THAILAND BLAST
Niyanig ng malakas na pagsabog ang Central Business District sa Bangkok, Thailand magaalas-syete kagabi.

Makikita sa isang amateur ang ilang biktima na nasa daan habang abala ang mga pulis at ilang residente sa pagbuhat ng mga biktima ng pagsabog.

Sa kuha naman ng Photoville International makikita ang maraming motorsiklong nasira habang may isang bangkay pa na tinakluban ng tela ang hindi pa naiaalis sa blast site

Nangyari ang pagsabog sa Erawan Shrine na dinarayo ng maraming turista.

Ayon kay National Police Chief Somyot Poompanmuang, isang pipe bomb na itinanim sa loob ng shrine ang ginamit sa pambobomba.

Sinabi ni Maj. Gen. Witoon Nitiwarangkul, isang surgeon general sa Police General Hospital,umabot na sa (22) ang nasawi habang 123 naman ang sugatan na karamihan ay mga turista.

Samantala, ayon sa isang Thai Police kabilang ang isang Pilipino sa mga nasawi sa pagsabog

Ngunit kinukumpirma pa ito ng embahada ng Pilipinas sa Thailand

Ayon kay DFA Spokesperson ASec. Charles Jose, nagpadala na sila ng tauhan sa Police General Hospital upang kumpirmahin ang balitang ito.

Pinag-aaralan narin ng DFA kung maglalabas na ng travel advisory sa Bangkok.

Samantala mariin namang kinondena ng Malacanang ang nangyaring pagpapasabog

Sa ngayon ay wala pang grupong umaako sa pambobomba ngunit isang kahina-hinalang lalake na nakita sa cctv malapit sa blast site ang kasalukuyan ng iniimbestigahan (Maryjo Maleriado / UNTV News Bangkok, Thailand )

Tags: , , , ,