22 natitirang smuggled luxury cars na nagkakahalaga ng P133M, wawasakin din ng BOC

by Radyo La Verdad | February 14, 2018 (Wednesday) | 2271

Desisyon na lamang ng korte ang hinihintay ng Bureau of Customs at sunod ng wawasakin ang natitira pang dalawampu’t dalawang nasabat na smuggled luxury vehicles sa Manila International Container Port.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, mas makikinabang ang pamahalaan kung sisirain ang mga sasakyan kaysa i-auction o ibenta ito.

Kabilang sa mga luxury cars na hawak ng BOC ay tatlong Range Rovers na nagkakahalaga ng 25.5 million pesos, dalawang Chevrolet Camaro na aabot sa 8.2 million pesos ang halaga, labing dalawang Toyota Land Cruiser na aabot sa 58.8 million pesos, isang McLaren na nagkakahalaga ng 14.8 million pesos, 1 Ferrari na nasa mahigit 4 million pesos, isang Lamborghini Murcialago na aabot sa 8.1 million pesos, isa pang Lamborghini Gallardo na nasa anim na milyong piso ang halaga at isang rolls royce na nagkakahalaga ng 8.1 million pesos.

Ang mga consignee ng mga luxury vehicles na ito ay tinanggalan na ng accreditation ng BOC. Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa pamamagitan ng pagsira sa mga sasakyan ay masisiraan na ng loob ang mga smugglers dahil hindi na mapapakinabangan ang mga inangkat na sasakyan na nagkakahaga ng milyun-milyong piso.

 

( Rajel Adora / UNTV Correspondent )

Tags: , ,