Tuition hike ang sasalubong sa maraming estudyante na papasok sa mahigit dalawampung paaralan sa Zamboanga Peninsula ngayong school year.
Ayon sa Commission on Higher Education, aprubado na ang 5.95-percent na tuition hike petition ng dalawampu’t dalawang colleges and universities.
Mas mataas ito sa 5.56 percent na ipinatupad noong nakaraang taon, 4.3 percent naman noong 2014 at 2.99 noong 2013.
Karamihan sa mga ito ay galing sa Zamboanga City, Zamboanga Del Norte at Sibugay.
Tatlo naman ang hindi naaprubahan dahil hindi nakasunod sa requirement.
70 percent ng tuition fee increase ay mapupunta sa sahod ng mga guro at staff, 20 percent ay sa improvement ng mga pasilidad habang ang 10 percent ay turn of investment ng institusyon.
Babala ng CHED, kapag hindi sinunod ng mga paaralan ang napagkasunduan ay maaari nilang bawiin ang ipinatupad na umento.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: 22 colleges and universities, dagdag-matrikula, Region 9